Letra de Ikaw-Kayo-Tayo

de Asin
34 visitas

Lee la letra de Ikaw-Kayo-Tayo de Asin en ToLetras. Encuentra letras de canciones, álbumes y más música de Asin.

Tayo'y mga dahon lamang
Ng isang matatag na puno
Iisa ang ating pinanggalingan
Hindi pareho sa pagtubo


Maaaring ika'y isang dahong masigla
Ako nama'y dahong nalalanta na
Pareho tayong mahuhulog sa lupa
Kaibigan, 'wag ikabahala


REFRAIN
Dahil nang mabigyan ng buhay
Buhay ng kahoy ay nagkakulay
Kung may lungkot ka, may ligaya
Kulay ng dahon, 'di iisa


Kung may lungkot ka sa iyong mga mata
Kung may hirap kang nadarama
Kung ang naging pag-ibig mo'y hindi tunay pala
Isipin mo rin sa sanga ay may bunga